Friday, December 30, 2005

Its been awhile

medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagsulat dito. sa totoo lang nakalimutan ko ng may blog pala ako. nawala na sa isip ko na may nagawa pala akong ganito. nagtotopak kasi dati ang internet ko at ayaw magpunta sa blogger. mabuti na lang at ayos na to.

ambilis talaga ng panahon. 2nd sem na ng 3rd year at hindi ko man lang mamamalayan matatapos na ang pag-aaral ko sa kolehiyo. ngunit bago mangyari iyon ay kailangang pagdaanan ko muna ang mga project sa marketing at sa operations management. pati na rin ang hi165 ko kay arcilla. kasama na rin ang walang katapusang mga readings sa philo at ang problems ng finance.

sa kasalukuyan, dapat ay nagbabakasyon ang mga tao ngayon subalit hindi, nagttrabaho ang mga tao dahil sa napakahabang mga papers na kailangan sa marketing at opman.

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!